Matagal ko nang gusto magka-blog. In fact I’ve made several attempts. Pero palaging hindi natutuloy sa kung anu-anong dahilan. Unang-una, andaming kailangang pag-isipan. Kailangan ng blog title at blog headline. Pati mga favourites mo gustong alamin para sa blogger’s profile. At pinapapili ka din ng template. Nakaka-pressure kasi syempre, sariling blog mo ‘yan so parang dapat maganda lahat, dapat pinag-isipan nang mabuti. At dahil wala naman akong panahon para pagtuunan ng pansin ang pag-iisip para sa blog ko eh I always end up going for the easier option: Ay, ‘wag na nga lang!
Kapag sinusumpong ako at naalala ko, binabalikan ko yung sinimulan kong blog. Kaso, sa katagalan eh usually nakakalimutan ko na ang sign in details like the email address I used and the password. So kina-kailangan ko na namang magsimula from the beginning. Nakakatamad diba? So ayun, nauuwi na naman sa ‘wag na nga lang.
May mangilan-ngilan na rin ang nag-suggest na mag-blog ako. Yung iba, bordering on pangungulit na. Siguro mga
lima sila.
Kaya once this blog starts running, I’m assured of readers already.
Siguradong may
lima nang magbabasa.
Kasi pangako nila sa akin ‘yun.
Promise nila na pag nag-blog ako eh susubaybayan nila ang mga isusulat ko.
Masaya diba?
Pero nag-alanganin pa rin akong mag-blog. Bakit? Kasi, pa’no kung may magbasa outside of those five friends of mine? Natatakot ako du’n sa mga nagpo-post ng negative comments. Sa Facebook, enjoy ako. Nakakatuwa ang mga comments ng mga tao. Gets nila kapag nagpapatawa ako, gets nila kapag excited akong mag-share ng bago kong natuklasan, gets nila kapag galit ako at kailangan ko ng kakampi. Pero kasi, lahat sila friends ko. Kilala ko sila at kilala nila ako. Eh pa’no pag blog? Diba everyone has access to it? Including people I do not know and people who do not know me. Pa’no kung kontrahin nila ako? Or laitin? Or ma-misinterpret ang mga sinasabi ko at sabihing ignorante, mayabang o papansin ako? Pa’no kung di nila masakyan ang sense of humor ko? Or mabaduyan sila sa akin? Or… gasp, never ending possibilities! ‘Yan! ‘Yang mga bagay na ‘yan ang kinatatakutan ko kaya hindi ako makapag-blog-blog.
Ito pa.
I think ito yung pinakamatinding problema ko sa blog. Pa’no kung… ma-wrong grammar ako? Sure, writer daw ako.
Daw. Pero more often than not, I report to an editor.
May nagpu-pulis ng mga sinusulat ko at mga
mali ko.
Eh sa blog, wala!
Gaya ni Jinkee Pacquiao, takot din naman akong masita sa maling English at mapagtawanan.
Nabalitaan niyo ba ‘yung issue na ‘yun ni Jinkee?
Kung hindi, eto o…
Anyway, so back to me. I actually considered asking an editor friend to edit my entries before posting them pero naisip ko, wow, hassle naman ‘yun diba? Pa’no kung busy siya at di maasikasong mag-edit agad? Eh di hindi ako makakapag-post? Atsaka magastos ‘yun! Alangan namang thank you, friend lang diba? Trabaho ‘yun noh! Di biro mag-edit, so dapat naman may iabot ako kahit papa’no. Problema, wala akong budget for blog editor. So I had to kill that idea.
And then it hit me! Hindi naman kailangan in English ang blog ko diba? Puede naman in Filipino! Or Taglish. Siguro naman mas maliit ang possibility na magkamali ako sa grammar kung Filipino or Taglish noh? Besides, sa bansa natin, cute at shushal nga ang tingin sa mga mali-mali mag-Filipino. Sobra kong tuwa nung naisip ko ‘yun! Hindi ko naman alam why it took me so long to figure out that option! Minsan may pagkamabagal din ang utak ko. Kasama ko ang mga kaibigan kong si Lesley at Fides nung naisip ko ‘yun.
Kasalukuyan kaming nagdidiskusyon sa KFC sa
Taipei noon. I happily declared that yes, I will finally start blogging but in Filipino.
Ang reaction ay ganito.
Lesley: Bakit?
Para pang-masa?
Fides: Naku, puede ba? Yung itsura mo, hindi pang-masa!
Medyo natulala ako sa reaction nila. Nalito. And then natawa. Nang malakas.
Hindi ko kasi alam kung pa’no napasok ang masa sa usapan. I really didn’t have a target audience in mind for my blog (except for those five friends na nag-suggest). Basta, gusto ko lang mag-blog! At mas lalong hindi ko alam kung anong kinalaman ng itsura ko sa issue. Natawa talaga ako. At napaisip. Pero next time ko na isusulat yung naisip ko kasi magugulo yung intro ko. Medyo mahabang pagmumuni-muni ‘yun, hanggang ngayon hindi pa nga tapos.
Teka, nasaan na ba ako? So ayun nga, I found a solution to my wrong grammar fear. Eh pa’no naman yung ibang hindrance sa pagba-blog ko? Ay, deadma na. Ayoko nang problemahin ang blog title, blog headline, template, at ang mga favourites ko for the blogger’s profile. Ayoko na ring isipin ang mga possible haters.
Besides, ako lang naman ito.
Hindi naman ako political figure, hindi ako artista.
I’m not some intellectual personality who is expected to be always right. Hindi naman siguro nila ako pag-aaksayahan ng panahon. At kung ano man ang mga lumabas dito.
SABI KO LANG ‘YUN.
Hindi ibig-sabihin tama at hindi ibig-sabihin
mali.
Hindi rin ibig-sabihing kailangan sang-ayunan ng lahat. Whatever I say here is not the ultimate truth.
Malay mo, inimbento ko lang. Walang final. My stand, my perspective, my opinion, my decision can always change. Kagaya ng panay ang sabi ko dati ng hindi ako magba-blog.
Well, well, well, obviously SABI KO LANG ‘YUN! Dahil eto na. Eto na! Eto na!!! My first official blog entry.