Linggo, Setyembre 4, 2011

Aray ko!

Ansama pala ng feeling pag sinasabihan kang maganda kapag ang litrato mo ay photoshopped.  Pareho lang ng feeling pag sinasabihan kang maganda kapag naka-make-up ka or magara ang suot mo. Pero walang tatalo sa sama ng pakiramdam kapag sinasabihan kang maganda matapos mong marinig na sabihan ring maganda yung pangit na katabi mo! Hahahahahaha!

Ginawang isang malaking basurahan ang Cavite

More or less 20 minutes akong nasa likod nitong Pajero (VGP 888) na ito kanina. Sa sampung kilometro na tinakbo namin, tatlong beses na may lumipad na basura mula sa bintana ng Pajero.  Una, isang plastic supot.  Di nagtagal, sinundan ito ng isang bote ng C2. Pagkalipas ng ilang minuto, isa pang bote ng C2 ang tinapon nila sa kalye.  Tsk tsk tsk.   

So yung rugby team underwear billboards bawal, pero ito hindi?

Sorry, hindi pa rin ako over sa pagkakatanggal ng mga billboards ng Volcanoes, masama pa rin ang loob ko.  Hahahaha!