Martes, Agosto 9, 2011

SENXA na, hindi AQ sanay

“2 staxons away po aq”

‘Yan ang mga tumataginting na salitang bumati sa mga mata ko nang silipin ko ang aking celphone.  Nagdilim ang aking paningin. Nagsikip ang aking dibdib. At hindi ko naawat ang aking sarili sa pag-reply.

“Do not text me using Q instead of KO.  I think it’s disgusting.”

Masyado akong napuno ng emosyon na hindi ko na nakumpleto ang aking message. Di ko naidagdag na naiirita rin ako sa ganu’ng paraan nang pag gamit ng “X”.

Sinagot niya ako ng “sige po”.

Is it just me or talaga bang nakakainis ang ganyang klase ng pagsi-spell? Matatawag na bang jEjEmON ‘yan kahit hindi pinaghalo ang mALiIt At mAlAKinG LetRA?  Jejemon ba ‘yan kahit walang mga extra na H as in “nandito na akoH” at walang extrang W at Z as in “salamat powz”

Kung anuman ang tawag eh basta, hindi ko gusto! Super hate ko siya, with the same level of detest that I have for ill-constructed phrases such as “dito na me” and “where na you?”.  

Pero tama bang mainis ako? Mali ba ang ganu’ng paraan ng pananalita? Mali ba ang ganu’ng paraan nang pag-spell?

Hindi kaya’t ‘yan na ang tinatawag na evolution ng wika? Hindi kaya’t tumatanda na talaga ako kaya’t hindi ako makasabay sa pagbabago? Sa larangan ng musika ay napag-iwanan na ako.  I’m stuck in the 80’s and 90’s.  Si Vanilla Ice at Milli Vanilli pa rin ang sinasayawan ko. Running Man at Roger Rabbit pa rin ang alam kong dance steps. Baka naman ganu’n din ako sa wika.

Hindi kaya’t mali ang pagpigil ko sa kanya na gumamit ng Q imbes na KO? Dahil sa ginawa kong ‘yun, hindi kaya ako naging instrumento sa pagpigil nang paglago ng ating wika?

Malay niyo, balang araw ay ‘yun na maging ang norm at ako naman ang masabihan na ang makaluma kong spelling ay disgusting.

Pag nagkataon, ano kaya ang isasagot ko?  

Maiintindihan at patatawarin kaya nila ako kapag sinabi kong “SENXA na, hindi AQ sanay”?



4 Mga Komento:

Ayon kay Anonymous The Weekend Traveller...

Ay naku Nana ganyan din ako. Pag un kapatid ay nag-jeje speak, umiinit ang ulo ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kelangan palitan ang ko ng q. Wala namang batayan na gamitin ang ganyang salita kasi kumpleto naman ang numbers at letters sa cellphone keypad di ba?

O siguro, tumatanda na lamang talaga tayo?

Agosto 9, 2011 nang 7:10 AM  
Ayon kay Anonymous docgelo...

aliw itong post mong ito, ms. nana.
so witty yet so true!
we're the same, i hate these types of text messages. dito sa penang mas weird; iyong "thank you" nila na sa satin ay "tnx", sa kanila dito ay "Tq" -how's that?

Agosto 9, 2011 nang 7:27 AM  
Ayon kay Blogger Nana Nadal...

Dheza, baka naman mas madali nga gamitin ang Q kasi isang letter lang versus KO... Or feeling ba nila cute? Ano ba ang dahilan sa likod ng jeje speak? Baka pag naintindihan na natin ang motivation behind it eh matahimik na tayo at di na uminit ang ulo. Hehe.

Agosto 9, 2011 nang 9:40 AM  
Ayon kay Blogger Nana Nadal...

Doc Gelo!!!! Tq for reading my blog! Hehe, ayan, nagamit ko na ang natutunan ko sa 'yo na way ng pag-thank you. Tq for sharing it with me! Hehe.

Agosto 9, 2011 nang 9:42 AM  

Mag-post ng isang Komento

Mag-subscribe sa I-post ang Mga Komento [Atom]

<< Home