Bakit ako? Diba?
Sa pagkalat ng video na ito ni Christopher Lao, "I should have been informed" has become the new "major major". Bukambibig ng lahat ang "I should have been informed". Basta't puedeng isingit sa usapan ay isisingit. Hangga't puedeng gamitin ay ginagamit.
Seriously, I don't understand why it got so much attention.
I think, more than "I should have been informed", mas maganda yung "Bakit ako? Diba?". Watch the video again and tell me what you think.
Una pa lang, 'yun na ang nakatawag ng aking pansin. Ang ganda ng pagkasabi niya! With much exasperation at matching frustrated chuckle pa. And the expression on his face, talagang matindi ang conviction niyang hindi dapat siya tinatanong ng ganu'n, na wala siyang sala sa nangyari, na hindi kataka-takang nilusong niya ang baha. Solid ang pagka-BAKIT AKO? niya!
I've read his statement talking about sleepless nights and thanking those who have showed him support during these trying times. Pero palagay ko, hindi 'yun ang statement na hinihintay ng bayan. Malamang, tulad ko, maraming ang hanggang ngayon ay nagtataka pa rin at gusto siyang tanungin...hanggang ngayon, talaga bang sa tingin mo eh hindi mali yung ginawa mo?
Kapag nakilala ko siya eh tatanungin ko talaga siya. O baka naman sabi ko lang 'yun.
4 Mga Komento:
ya, why him? lol
hi nana
Hi Ms. Maja! 'Yan ang malaking tanong! Hahaha!
sometimes pag inis na inis ka iba iba ang lumalabas sa bibig mo.
happens to me all the time, lagi ako biglang super straight english pag galit. and 3x,napamura na rin ako- na di ko ginagawa.
naawa ako na naviral ang mga sinabi nya, hope di mangyari sakin ito.
Hi ma'am Ross! Ako din nangyayari sa akin 'yang mga biglaang reaksyon, madalas!
Kaya nga gusto ko tanungin kay Christopher Lao kung nabigla lang ba siya sa nasabi niya at sa reaction niya? Ngayon bang mahabang panahon na ang nakalipas eh naisip ba niyang iba sana ang nasabi niya? O talaga bang 'yun pa rin ang reaction niya? 'Yun lang naman ang gusto ko malaman. Nagbanggit siya ng mga sleepless nights at kung anu-ano sa statement niya. Ang mga kaibigan niya naglitanya ng credentials and achievements niya. Wala namang relevance sa akin lahat 'yun. Ang tanong ko lang, pinapanindigan ba niya yung nasabi niya nung nasa kainitan siya ng sitwasyon at nasa gitna ng baha o kung ibabalik ang oras ay iba ba ang sasabihin niya?
Mag-post ng isang Komento
Mag-subscribe sa I-post ang Mga Komento [Atom]
<< Home